Tuesday, June 2, 2015

MAPAGLINLANG NA ADHIKAIN

Ang SAVE OUR SCHOOLS Network (SOS) ay isang non-profit organizationn na nag-aakusa sa AFP na nagpasara sa paaralang itinayo ng Mindanao Interfaith Services Inc. (MISFI) sa Kapalong, Davao del Norte.

Sa katunayan, gawa gawa lang ng grupong SAVE OUR SCHOOLS Network (SOS) ang isyung ito. Hindi naman talaga ipinasara ng AFP and naturang paaralan kundi ibinigay na sa LGU ng Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao del Norte and pamamahala sa naturang paaralan ayon na rin sa utos ni Mayor Edgardo Timbol ng Kapalong.

Ibinigay sa LGU ng Brgy. Gupitan ang pamamahala sa paaralan kasi ayaw na mismo ng mga Tribal Leaders ng komunidad na iyon ang presensya at programa ng MSFI.

Mali at nakakabahala naman talaga kasi ang programang itinuturo ng MISFI sa kabataang lumad sa lugar na iyon. Kung mali naman talaga ang itinuturo ng MISFI sa mga bata ay talagang paaalisin sila ng mga magulang nito. Sino ba namang magulang ang payag na turuan ng mali ang kanilang mga anak?

Ang video ito ay mula mismo sa SAVE OUR SCHOOLS Network (SOS) na nag-aakusa sa AFP na nagpasara daw sa paarlan na itinayo ng MISFI. Makikita dito kung paano ginawang kasangkapang ang mga batang lumad sa mga propaganda ng SAVE OUR SCHOOLS Network (SOS) para mapaalis ang mga sundalo sa nasabing lugar.

Kayo na po ang humusga. Maaari pong magbigay ng komento ng inyong saloobin tungkol sa video na inyong mapapanood. Maari din po nating ikalat ang video na ito upang mapahinto na ang MISFI at SAVE OUR SCHOOLS Network (SOS) sa paggamit ng mga batang lumad para sa kanilang mga propaganda.



No comments:

Post a Comment